𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐬𝐚𝐥𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐯𝐞𝐥𝐞𝐬 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐇𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 (𝐌𝐌𝐖𝐆𝐇), 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐬𝐛𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐬 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧

Sa patuloy na pagsisikap na mapalawak at mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Mariveles, isinagawa ng MMWGH ang seremonya ng pagbabasbas ng Radiology-Psychology Complex Building, gayundin ng una at ikalawang palapag ng General Hospital Building sa pangunguna nina Dr. Dennis Dayao Ordona, Medical Center Chief II ng MMWGH, Director Corazon I. Flores, MD, MPH, CESO IV, Director IV ng Central Luzon Center for Health Development, bilang panauhing pandangal, at Rev. Fr. Regin L. Tenorio, ngayong November 6, 2025. 

Tampok sa Radiology-Psychology Complex Building ang CT Scan Imaging Services, Digital Radiology System, at Psychological Services na magpapalawak sa kakayahan ng ospital na makapagbigay ng de-kalidad at agarang diagnostic services. Samantala, tinatampok naman sa una at ikalawang palapag ng General Hospital Building ang makabago at pinahusay na Emergency Room, Out-patient at Dental Clinics para sa mas pinalawak na pangkalusugang sebisyong medikal para sa mga mamamayan ng Mariveles at mga karatig-bayan.Habang bukas na sa publiko ang Psychological Services Unit, inaasahang magiging ganap na operasyonal sa unang kwarter ng 2026 ang General Hospital Building, CT Scan Imaging System at Digital Radiology System.

Kabilang din sa mga panauhing pandangal sina Hon. Jose Enrique “Joet” S. Garcia III na kinatawan nila Bokal George Estanislao at Angelito M. Sunga; Hon. Albert S. Garcia na kinatawan ni Hon. Reynaldo T. Ibe Jr.; Hon. Ace Jello C. Concepcion, Mayor ng Bayan ng Mariveles; Hon. Jesse I. Concepcion, Vice Mayor; at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Mariveles.

Kabilang din sa mga dumalo ang ilang head ng mga DOH facilities sa Rehiyon 3, Retired Chief at ManCom members ng MMWGH at kawani ng Department of Public Works and Highways 2nd District Engineering Office at Philhealth Bataan Field Office.