Tanong: May bayad ba ang konsulta sa Outpatient Department?
Sagot: Wala pong bayad ang konsultasyon sa doctor.
Tanong: Paano pumunta sa MMWGH?
Sagot: Ang address ng MMWGH ay P. Monroe St., Poblacion, Mariveles, Bataan. Ito ay maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng public transportation vehicles tulad ng mga bus or jeepney.
Tanong: Maaari po bang magpa-appointment ang mga cases for rights of custody o psychological evaluation for adoption?
Sagot: Hindi po. Criminal cases lamang po ang maaaring magpa-appointment.
Tanong: Paano kung hindi makarating sa araw ng konsultasyon dahil sa walang service vehicle o nagkaroon ng medical condition ang pasyente o relative?
Tanong: Tumatanggap po ba kayo ng kliyenteng detainee na mayroong mental disturbance o hindi stable ang pagi-isip?
Sagot: Maaaring makonsulta ang pasyenteng detainee na hindi stable ang pagi-isip, ngunit hindi maaaring ma-admit sa MMWGH.
Tanong: Maaari bang manundo ng pasyente and MMWGH staff?
Sagot: Hindi po. Maaari kayong makipag-ugnayan sa inyong barangay captain o kapulisan sa inyong munisipalidad upang humingi ng tulong sa pag-escort sa inyong pasyente sa araw ng konsultasyon.